Huwebes, Abril 28, 2016

Aremuhan / Aremuhanan

Aremuhan / Aremuhanan

Kahulugan o Paliwanag: Pagsamantala sa panahon habang maalwan pang kumilos. Pagtitipid o pag-iipon para sa hinaharap.

Paggamit ng salita: nag-aaremuhanan

Ibang katumbas sa Tagalog: tipid, samantalahin

Katumbas sa English: the practice of saving something for future use

Mga halimbawang pag-uusap:
1. Marimar: Sa hirap ng buhay na areh, kundi mag-aremuhan eh.

2. Bernardo: Ang asawa ko, nag-aaremuhan, nanduon pa sa palengke't nagtitinda.

3. Dodoy: Mag-aremuhan ka anak, wag yang bili ng bili. Di naman kaylangan.

0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento