Lunes, Abril 25, 2016

Parne muna't makapagkape. Tungkol saan ga areh?

Maligayang pagdating dine sa website ng mga gustong matuto ng salitang Batangenyo! Buti nama't ike'y napadaan. Nga laang, ay hindi tayo pwede dineng maghuntahan nang matagal. Paano ga'y areh namang website na areh eh ginagawa para ikaw eh magbasa ng magbasa. Pero, sa ilalim nama'y may comment box, nang sa gay-on ay mai-share mo naman yaang laman ng kukote mo sa iba, nang may mapurubitso naman sila sa iyo. Ayos ga?

Ang gusto namin dito sa Batangas Tagalog ay mapuno ng mga salitang Batangueno. Aming lalagyan ng kahulugan ang bawat salita, pati na kung papaano ga gamitin yang mga yaan sa pang-araw-araw na huntahan. Pihong tataba yang utak mo dine.

Kapeng Barako ng Batangas | Ala eh, pagkasarap nareh!

Ay sige, ubos na yang barako, magaling at mainit pa.

1 komento: