ABAY
Kahulugan o Paliwanag: Maupo o mahigang katabi ng sinuman.
Paggamit ng salita: umabay, aabay, abayeh, aabayan, inaabayan, magkaabay, umaabay
Ibang katumbas sa Tagalog: tabi, tumabi, tatabihan, katabi, siping
Katumbas sa English: to lie beside someone, sleep with someone
Mga halimbawang pag-uusap:
1. Kapitbahay: Ay siya naman, bakit ga ya'y magkaabay na'y hindi pa naman kasal?
2. Tatay: Apolonio, abayeh areng kapatid mo at hindi daw makapag-isa sa kuwarto. Takot yata sa mamo.
3. Mariano: Dine na ako pare hihiga, at aabayan ko dine si misis.
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento