Agwanta
Kahulugan o Paliwanag: Kayanin ang hirap o sakit.
Paggamit ng salita: mag-agwanta, nag-aagwanta
Ibang katumbas sa Tagalog: tiis, batahin
Katumbas sa English: to endure, patiently
Mga halimbawang pag-uusap:
1. Nicanor: Bakin ga hindi bumili ng gamot para sa sakit na yaan?
Eduardo: Yaeh na, nakakapag-agwanta pa naman.
2. Vilma: Konting agwanta muna ha. Malapit na naman tayo sa ospital.
3. Marvin: Buti at nakakapag-agwanta kayo diyan sa amain nyong yan.
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento